BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, July 6, 2009

Surreal. Sensible. Subliminal. Sozy? S!!! Topics.

(mga topic na pwedeng pagusapan kung naghahanap ka ng sakit ng katawan.)

(Para sa mga inspirasyon kong sina Totoy, Buknoy at Tagpi. Para sa inyo to.) *woooh!*

Naranasan mo na bang tumunganga na lang sa isang tabi at isipin kung anu-ano na mga nangyayari sa paligid mo? O kaya nama’y habang na-istak ka sa traffic papunta sa iyong nililigawan ay biglang may magtanong sayo ng kung anong kababalaghan?, tipong ‘Who is God?’ o kung ano mang etse-buretse sa buhay mo. Naisip mo na rin bang magpaka-existential at alamin kung ‘what ticks the universe’? Napush mo na ba ang mga boundaries mo, tulad nito na sana mataas ang comprehension o sense of humor ng mga readers nito. Kung oo ang sagot mo sa mga tanong mong iyan. Halika, iteks mo ko, Sisimba tayo sa Quiapo para mabawasan kasalanan natin. Hahaha. :D

O sya sya. Eto na nga.

Kita naman kasi sa panahon ngayon, ang mga kabataan na katulad ko e, nakikita bilang mga susunod na henerasyon ng bansang Pilipinas. Tulad ko, bilang isang estudyante, hassle ang mga reports, exams, quizzes, dates, gimmicks, DOTA, inuman, pagkain, mga giep/biep, at syempre mga profs lalo na ung mga terror profs na tipong nagpapahiya ng bata sa ‘constructive criticisms’ nila kuno. Di ba? Stressful. Napapamura ka nalang pag sunod-sunod pa silang nagbigay ng mga deadlines at appointments, tipong ganito.

5:30 A.M – Tutunog ang alarm. Gigising… para patayin ito.

6:30 A.M – Maalimpungatan. Unang mura sa umaga. Nakita mong late ka na sa pers subject mu. Wala nang almusal o ligo-ligo at baka mapasma pa(nakakamatay daw kasi iyon). Pahid nlang ng alcohol, tapos larga na. Tapos tipong ang init-init na kahit ganitong oras pa lang. Sarap. It’s all in the mind. Ang lagkit at lansa mo:D

7:00 A.M – Swak. Di ka pa late sa pers subject mo kaso para ka nang naglalakad na zombie. Walang kain, puyat, at terror pa ang unang subject. Pagpasok ng prof, halatang kauma-umaga e, tipong sinasapian na ng demonyong kulugo. Ayun. Napansin ka lalo na’t nasa harap pa naman, at ikaw ang tinawag para i-share kung ano nangyare last miting. Wala. Wala kang maalala dahil sa gutom. Wala kang masabi. Grade mo 0. *kay ganda ng umaga kapatid.*

8:00 A.M – Susunod na subject. 2 hours. Tipong major subject mo nang may nagtanong na, ‘Tsong, may assign ka ba sa ________? Patingin naman o.’

Naalala mo nga’t may sinabi ang prof na mahabang assignment na plus points sa finals. Again, the pain. Wala kang nagawa. Manghihiram ka na sana ng yellow paper ng biglang dating ng isa mo pang terror na prof. Ayun. Wala ka nalang ulet magawa. Bokya ka ulet. *ang saya tlga ng buhay no?*

10:00 A.M. – Relief subject. Crush mo yung prof mu dito at pinakahintay hintay mo tong subject na to kasi paborito mo. Hahaha. Not for long. Pagpasok ni prof, badtrip. Dahil daw sa naunang klase, at sa klase niya binunton. Haha. Surprise exam agad. Nakoo. Ang malas lang tlga. :D

11:00 A.M. – Last subject. Wala na ko masabi. Hahaha. *censored* nlang mangyayari dahil naiwan mo pla Sci-Cal mo sa _____ habang may exam. Wuuuu. P.I nlang tlga. :D

Yan. Tipong ganyan kamalas ang araw mo. Kaumaga-umaga pa naman no. Hahah.

Mabalik tayo sa paguusap natin tungkol sa ating henerasyon. Dati kasi may nabasa ako na sabi ni Nelson Mandela, ‘sometimes it falls upon a generation to be great. You can be that great generation’. Di ba? Pwede tayong na nga yung tinutukoy e. Asteeg na makilala na tayo yung generation na nagpaangat ng kalagayan ng mga pinoy. Sorry na kung korni, pero yung tipong nagtutulungan tayong kapwa, ganun? *you feel e, readers?*

Kaso ano nga ba kasi ang makikita mo sa henerasyon natin ngayon?

Hahah. Tipong ganito. Mga aktibista. Haha. Habang nanunuod nga ko ng balita, nakikita ko parati itong si ‘Renato Reyes’ sa mga rally kontra sa Arroyo Admin. Teka nga, balik tanaw tayo. Alam ko siya rin yung nakita ko na nag-aaklas laban kay Erap e. Nako naman. Pra naman kasi nilang gusto ang pangulo ng Pilipinas bilang maging sunoud-sunuran sa mga Pilipino. Parati kasi nila gusting tignan ang White side ng mundo. Di ba sabi ng mga philosophers na mayroong black and white side ang mundo. Oo, alam ko na pagdating sa kapakanan ng bansa, ayaw natin na tayo’y mag-settle for the lesser evil. Pero kasi minsan maganda rin tumingin sa ‘gray’ side ng buhay.

Example e, tipong ganito.

Hahawakan ko ang kamay ng katabi ko na may biep na. Ayan ka-holding hands ko na siya. Ngayon, tatanunginko siya kung bakita niya hinawakan ang kamay ko. Dahil ba para maipakita ko nga ang sinasabi ko? Siguro oo. Ngayon, masasabi ba nating unfaithful siya sa biep niya dahil dito? Ayun. Swak. Gray areas. Kung hardcore black and white ang mundo, iisipin mo na nagtaksil siya. Pero, ayun nga.. The Graaaaay areas.

Heto, isa pa. Naranasan mo na bang titigan ng ibang tao sa hindi malamang dahilan at bigla silang mag-uusap ng pabulong matapos ka nilang titigan? Puuuutik!. Hindi kaya pinagtsitsismisan ka nila? Haha. Nakakasar di ba? Nakakpraning pa. Tsismisan behind your back kumbaga. Haha. Di mo pa alam kung ano? Ano gagawin mo? Papa-affect ka ba? Papabayaan mu ba sila? O… alam mu na. Dadanak ang dugo?! :D

Syempre, apektado ka parin dahl doon. Tipong kung may problema sila say o, e bat di ka nila harapin? Di mo rin malaman kung ano nga ng tsismis na yun, o kung sinong surot ang nagpasimula non. Di naman nila alam ang katotohanan kasi buhay mo iyon. Ika nga, ‘experts are many where facts are few.’ At wow, panu kung ang mga kaibigan mo na sa halip ay suportahan ka e, paabutin pa ata ng alternate dimensions ang kakapal-muks nila para mangutang ng pera sa yo. Nakakagago di ba?

Okay men, commercial muna. Joke time.

(Paalala: Sana po’y wag magbago tingin ninyo sa akin. :D)

Naguusap sina, Taqwe at Hao.

T: Pare bilang estudyante, what matters most to you?

H: Wow, anlalim a. teka. Ahh.

H: Ahh, okay grabe. Teka ha… what matters… hindi grades eh… tipong ano… um… yung learning ko… yung journey… parang ganun… at… at kung um… saan, kanino at pa’no ko gagamitin yung… oooh! TEKA…

T: Men, akin simple lang eh. What matters? E di si Alma. Alma Matters! HWAAAAAH! Gets mo? Gets—

*censored na po ang susunod na mangyayari.* Napunta ata sa infirmary si Taqwe. Hahah. :D

Eto last, alam niyo bang asar na asar ako sa mga tipong type ng exams katulad ng sa NCAE at Entrance Examinations. Ung tipong bibigyan ka ng isang answer sheet kung saan, sha-shadan mo yung isang bilog na may kaakibat na letra at computer na ang bahala magprocess ng sagot mu. Nakakasira nga bait di ba?

Tipong ganito, pano kung namalikmata ka sa isang numero at nalagay mo sa kasunod na numero, at napansin mo nalang nung bandang patapos ka na. Di ba nakakagago. Lalo na’t no erasures pa mostly ang mga answers dun dahil baka mailto ang computer sa pagprocess ng papers. Heto pa. Paano naman kung di mo alam ang mga sagot sa exam na ganun. Minsan nga napapahula ka nalang pag ika’y nawiwindang. Ang malala pa e. Gumawa ka nalang ng pattern kung meron man, kasi malay mo makatsamba ka sa pattern.

At alam niyo ba na ang ganitong klaseng exam e, nakaksira ng pagkakaibigan. Kagaya nitong achievement test namin nung Grade 6. Di ko man experience to, kukwento ko narin. Dahil nga di nag-review etong si…*tawagan nlang natin siya sa pangalang LOKO* ay hinulaan nalng niya ang mga sagot rito. At ginawa niya puro ‘A’ ang sagot niya. Sigurado nman daw na may tama siya roon kahit papaano. Narinig niya sa Valedictorian ng klase na tama’t nahirapan siya sa exam at tama may pattern nga ang mga sagot.

Laking tuwa naman nitong si Loko na akala niya’y tama na siya. Dumating ang bigayan ng iskor at kumpyansa tong si Loko. Nang…. Gumuho ang mga pangarap niya.

Lahat ng sagot ay ‘B’. Iskor : Zero.

Minsan may mga teknik din ang mga estudyante dyan sa mga multiple choice na exam. Tulad nitong usapang na-witness ko. Tipong ‘shotgun’ nalang, o paghuhulog ng lapis at kung san matapat na choice, e un ang isasagot. Meron din gamit ang sinag ng araw. Kung saang letra man tmapat. Yun ang sagot. Meron pang mga iba na weird at kulang sa ligo. Na kung saang letra umaapak ang langaw e, yun ang isasagot nila.

Kaso, etong isang kaibigan nila. Biglang nawindang. Natawa tlga ko sa mga sunod niyang sinabi. Eto.

‘Some Friends you are! Syempre ngayon n’yo lang sinabi sa ‘kin yang mga teknik niyo kung kelan tapos na ang lahat! *&$@# ARRR!!’

At ang sagot ng mga kaibigan niya.

‘Gusto mo bang i-spoon feed ka parati a?’

Ayun, pikunan. Pero nakaktuwang argumento. HAHAHAHAH. :D

Osya, neks time ulet. Hahah. Salamat sa mga bumasa nito, at sana naman po, pagtapos nyo, wag niyo sana kong ipagulupi sa mga tambay sa kanto nyo. Kay? Ayos. Salamat. Salamat. CIAO! :D

Sunday, June 28, 2009

Friends. anyone? I want to meet.... XD

A serious kid.
Someone without H1N1. :D
A martial arts master like Gokou. hahahah :DD
Someone who'd cheat death for me.
Someone who's there for yaa. :)
Ung nakakawindang no. :)
Someone who gets in so much trouble, with me of course. hahah. :D
Who is like my mother. hahahahah.
Who is a mafia boss. Peace. :)
A superstar!! :X
who'd wave when you left the house.
Who'd sing Happy Birthday even it's still months away.
Who will hypnotize me. hahahah. :D
of course. SHE. :X
Who'd back me up when I get humiliated.
A dope as I am.
A stress reliever. :D
Who'd be just like in a drama series. NOOOOO! :D
Who's cute of course.
Who makes me shiver. :DD
Has got those killer and merciful eyes. :D
With sense of humor, of course.
Sleepy headed like me.
Makulet katulad ko.
Ung magpapainit saken. Aw.
Who can tolerate me. haha. :D
Who will nurse me. :d
An emo like me. sometimes. hahah. :D
Whose there when I'm gloomy.
Inaaaway ako o. HELP! :D
Who is a study freak, like me of course. :D
Yeahh. :d
An athletic kid.
And the one who always says hi. :D